Chapter Seventy-two "Bituin, normal ka pa ba?" bulalas ni Quiran habang nakahiga ako't tina-tattoo-an ni Nevara. Wala kang mababakas na kahit katiting na sakit. Halos patapos na kami sa tattoo session namin ni Nevara, pero wala pa silang naririnig na reklamo. "Oo naman. Masarap din sa pakiramdam ang bawat baon ng karayom sa balat ko." "Damn!" ani ni Quiran na parang hindi makapaniwala. Si Nevara naman ay parang proud na proud sa akin. "Very good, Bituin. 'Di ba, parang kagat lang ng langgam." "Tama. Parang kagat lang ng langgam. Hindi masakit. Masarap pa sa pakiramdam." Umiling-iling si Quiran na akala mo'y hindi talaga makapaniwala sa sinabi ko. "Huwag mo akong panoorin kapag ako na ang ta-tattoo-an. Baka umiyak ako roon." Saglit huminto si Nevara sa pag-tattoo sa akin. Hindi k