Chapter 108 "Quiran, t-ulungan mo kami ni Frea. H-awak kami ni daddy." Umiiyak na ani ni Fely sa kabilang linya. Ilang araw na kami rito sa San Pedro. Maayos na tumatakbo ang mga plano namin. Nalalapit na rin ang party na idaraos sa mansion ng mga Angeles... mansion namin. May mga tauhan na rin sa mansion kung saan nagpapanggap ang mga ito na tauhan ng event organizer. Ngayon ay tumawag si Fely. Umiiyak. Nagdra-drama. "What do you mean?" nilangkapan ni Quiran nang pag-aalala ang kanyang tinig. "Dinukot kami ni daddy, Quiran. Baka saktan n'ya kami. Diyos ko, ayaw kong mapahamak ang anak natin. Please. Tulungan mo kami ni Frea. Naitago ko lang itong cellphone ko. Pero baka kapag nalaman niya na may hawak akong phone ay kunin niya. Quiran, parang awa mo na. Hanapin mo kami ni Frea. P