Chapter 107 "Pasensya ka na kung hindi ko nagawang bigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya mo, hija. Sinubukan kong kalampagin ang kapulisan para malaman ang tunay na nangyari. Pero bigo ako. Hindi rin natigil ang mga death threats sa buhay ko." Nakapwesto na kami rito sa kanyang opisina sa mansion. "Sinubukan ko ring lumapit no'ng lamay nila. Pero hindi ako nagkaroon nang pagkakataon dahil pinagbawalan nila ako. I'm really sorry." "Wala po kayong kasalanan, attorney. Pero alam po ba ninyo kung saan nakalibing ang magulang ko?" ani ko. Umaasang may alam nga ito. "Yes, hija." Sabay dampot ng papel at nagsimula siyang magsulat doon. "Private cemetery iyan. D'yan n'yo hanapin ang libingan ng magulang ninyo. Nasaan si Rosally? Tiyak na gusto rin niyang makita ang puntod ng parents n'yo.