Chapter 106 "Quiran, may nais kumausap sa 'yo." Pangalawang araw. Sinusubukan pa ring contact-in ni Quiran si Fely para isipin ng babae na may care pa rin ito sa kanila. Well, kay Frea ay nag-aalala si Quiran. Pero kay Fely ay wala raw siyang pakialam kahit pa magpunta ng impyerno. Mamayang gabi ay makikipagpulong ako sa abogado ng mga Angeles. Naghihintay lang kami ng oras para makabyahe kami. Ngayon ay may bisita raw ito sabi ni Daddy Abe. "Who?" ani ni Quiran. "Christian. Nasa waiting area. Kung nais mong makausap ay puntahan mo na lang at kausapin. Hindi ko siya pwedeng bigyan ng access para makapasok kahit pa visitor." Tumayo si Quiran. "Balik agad ako." Sumenyas lang ako rito habang kumakain ng sineguelas. Maaga pa lang ay hanap ko na iyon at ingit na ingit ako sa babaeng nagm