Chapter Sixty-two Mcfline's property. Iyon ang nakatatak sa t-shirt na suot ko. Malaki iyon sa akin. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin naman nakalimutan mag-short. Hindi nga lang halata dahil sa haba ng damit. Pababa ako ng hagdan. Para pang gulat na gulat si Fely nang makitang ako ang pababa. Ano bang nakakagulat doon? Ano bang akala niya? Hindi kami magsasama ni Quiran? Ngumiti ako rito nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nang makababa ako ng hagdan ay agad ko siyang nilapitan. "Hi, Fely!" bati ko rito. "B-ituin," ani ng babae. Halatang nailang ito sa harap ko. I think dapat lang naman. Kasi hindi na normal itong ginagawa niya. "Anong kailangan mo, Fely?" tanong ko rito. "Si Q-uiran, si Quiran ang pakay ko." Tumango-tango naman ako. "Kahit si Quiran ang pakay mo, p