Chapter Sixty-three Ang ganda-ganda nang pakiramdam ko ngayon. Iba talaga ang feeling kapag nakakain ng isang oras. Madaling araw na kami bumalik ni Quiran ng mansion. Natulog pa saglit tapos nang magising ay naghanda na ito sa pagpasok sa opisina. Ngayon ay nandito lang ako sa kwarto. Tapos na akong maligo, galing na rin ako sa kwarto ni Rosally at nakakwentuhan ko na ito. Ngayon ay natutulog ito kaya naman dito na lang ako tumambay. Nang mag-ring ang phone ko ay agad akong bumalikwas. Inalis ko muna sa pagkakasaksak at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Nevara. Nang sagutin ko iyon ay agad ko ring idinikit sa tenga ko. "Hello?" "Maghanda ka. Ipahahatid kita rito. Nandito na naman sa labas ng company si Fely." "Hoy! Ang creepy na ng babaeng iyan, ha." Bulalas ko. Hindi ma