Lumipas ang mga araw na hindi na maialis sa aking labi ang ngiti. Sa Tagaytay ay halos wala siyang ginawa ’don sakin kundi ang halikan ako magdamag. Hihinto siya ilang minuto at manghahalik na naman. Kissing Monster yata siya. Napapikit ako ng mariin dahil sa mga naalala ko. Kaharap ang salamin ay pinagmasdan ang aking kabuuan. Hinawakan ko ang aking labi at kinagat iyon sabay ang pag balik alaala ng pagkagat doon ni Damon noong kailan. Bumaba ang aking kamay sa aking leeg. Halos mapamura ako ng maalaala ang pagbaba doon ng halik ni Damon. First time kong mahalikan sa leeg. Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon si mama. Napa ayos ako nang tayo at kinuha na ang aki