Papasok na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang isang hikbi at mumunting ingay galing sa kwarto ni mama. Nangunot ang aking noo. Kakatapos ko lang magligpit ng kinainan namin sa hapag. Pinatay ko na ang mga ilaw sa baba. Tanging ilaw mula sa aking kwarto at sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto ni mama. Dahan dahan akong lumapit doon at nakitang medyo nakaawang iyon.Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit doon at sumilip. Si mama ay nakaupo sa edge ng kama niya umiiyak habang hawak ang kanyang cellphone. "Kaya pala hindi ka umuuwi Ismael?! Kailan pa ha? Jusko naman malaki na si Zandria! Ano ang sasabihin niya? Kailan mo pa kami pinagmukhang tanga ha? Hindi ka nagparamdam ng halos isang taon? At s