KNOXX told Snow his plan. “Next week, I’m gonna arrange a party. Bring Autumn to the venue and when the lights go dark, I’m gonna take her with me and bring her to our vacation house in Camotes. Ako na ang bahala sa susuotin niyo,” sabi niya kay Snow na nasa kabilang linya. “Pero ‘pag namatay ang ilaw, gaano ka kasigurado na sasama ang kaibigan ko sa ‘yo?” tanong nito. He muttered a curse. Bakit hindi niya ‘yon naisip? Fck. He can’t use chloroform on Autumn to make her sleep. She’s pregnant! Natahimik ang kabilang linya na paniguradong nag-iisip din kung ano ang magandang gawin. “Perfume?” Snow suggested. “E-experimentohan ko mga perfume ko rito and let’s see kung sa anong scent siya hindi vibes,” pagpapatuloy nito. Napatango-tango naman siya.