“ETO suotin mo, oh.” Inabot sa kanya ni Snow ang isang puting box. Binuksan niya iyon. Isang kulay gold na gown ang nasa loob at may flats na kulay black. Kinuha niya ang gown at tiningnan. Long sleeves iyon at ang haba ay hanggang sa ibabaw ng ankles niya. Corset ang type ng top at sweetheart ang neckline. Ang bubble sleeves naman ay gawa sa chiffon fabric at may glitters pa. Gano'n din ang ibabang parte at may gold na belt na naghahati sa ibabang parte at itaas na parte ng gown. The gown is flowy and she likes it! “Ang ganda naman nito. Ikaw pumili?” tanong niya sa kaibigan habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin. She just held the gown in front of her body. Alam niyang saktong-sakto iyon sa kanya! Alam talaga ng kaibigan ang kanyang size.