DALAWANG araw na simula no'ng umalis siya sa kanilang bahay. Nakauwi na rin ang kanyang mga nanay-nanayan. Akala nga ng mga ito, kaya siya umalis ay dahil nagkaayos na sila ni Knoxx. Speaking of Knoxx. Napanguso siya at inalala ang mga sinabi ni Snow sa kanya. Nakapagdesisyon na siyang bigyan ito ng pagkakataon kaso, hindi pa siya handang harapin ito. Maybe, tomorrow. Nahihiya pa kasi siya, eh, dahil masyado siyang padalos-dalos sa pag-alis. Hindi siya nag-iisip. Tama naman kasi si Snow, eh. Alam niya naman sa kanyang puso na mahal niya pa si Knoxx at kung magkalayo man sila nang tuluyan, magkakasakitan sila. Namiss niya na ang lalaki. Umaandar na naman karupukan niya. Mula rito sa guest room ni Snow, rinig na rinig niya ang ingay na ginawa ni