“PITCHY, tayo muna ngayon dahil may work si Knoxx,” sabi niya kay Pitchy na nakaupo sa kanyang tabi. Marahan niyang hinahaplos ang balahibo nito. She ran her fingers through Pitchy’s white fur and feel the softness of it. Nag-binge watch lang siya ng Legend of the Blue Sea. Kakatapos niya lang maglaba at dahil may washing machine naman sila kaya hindi siya masyadong nahihirapan. Hindi rin naman gano'n karami ang nilabhan niya dahil araw-araw siyang naglalaba. Kinagatan niya ang kanyang doughnut na Matcha Kitkat. Hindi pa kasi naubos ang binili niya sa Krispy Kreme no'ng isang araw. Knoxx only took two doughnuts kaya nama’y tuwang-tuwa siya dahil hindi marami ang kinuha nito. “Sarap,” she said and licked the corner of her lips. Si Pitchy naman ay nakatingin l