MABILIS na natapatakbo si Autumn sa banyo nang maramdaman ang pagbaliktad ng kanyang sikmura. Napaluhod siya sa sahig ng banyo at napakapit sa magkabilang gilid ng bowl habang suka nang suka. Ano ba ‘to puro laway! Gusto niyang maiyak sa naramdaman. Pakiramdam niya’y lalabas na ang lahat ng kalamnan niya dahil sa pagsuka. Namumuo na rin ang pawis sa kanyang noo at luha sa gilid ng kanyang mga mata. Naramdaman niyang may nag-ipon sa kanyang buhok at hinila ito paakyat at ang magaang paghaplos sa kanyang likod. Knoxx, she muttered in her mind. Medyo gumaan naman ang kanyang pakiramdam dahil do'n. Nahahapo siyang umupo nang tuluyan sa tiles at pumikit. Knoxx pulled her head closer to his chest. Pinasandal siya nito sa balikat nito habang pinapahiran naman nito ang kanya