PAGKARATING nila sa Magodlong Rock Resort, low tide na kaya naman nagpasya na lang silang magbihis. Masyado silang nag-enjoy sa Santiago White Beach! Sobrang pino ng buhangin nito na animo’y baby powder! Parang Bantayan lang! Talaga namang aliw na aliw sila ni Knoxx doon. Sobrang ganda nito para maging public beach. Iyon na yata ang pinakamagandang public beach na napuntahan niya. The clear waters made her want to swim all day and she did. Humahapdi na rin ang kanyang likod sa kakalangoy at paniguradong magkaka-sunburn siya. ‘Di bale, mamaya, pag-uwi nila, mag-aapply siya ng lotion. Pababa na ang araw nang makarating sila. Halos mga seaweed na lang ang nakikita nila. Alas singko y media na rin kasi, eh. Tumingala siya at napahanga sa ganda ng kalangitan. The sunset is painting the