NAKARATING na sila sa kanilang bahay ngunit wala pa rin silang imikan simula nung umamin siya. Ni hindi man lang siya tiningnan ng lalaki at para siya nitong iniiwasan na para bang may nakakahawa siyang sakit. Knoxx became cold. Hindi niya mapigilang masaktan nung dinaanan lang siya ng lalaki na parang hangin. Pumasok na ito sa loob ng bahay. Naipalipat na ng mga parents ni Knoxx at ng kanyang mga nanay-nanayan ang kanyang mga gamit sa bahay ng lalaki. Her heart clenched in pain and tears swell in the corners of her eyes. Parang may kung ano ang tumusok sa kanyang puso. She harshly wiped her tears away and followed Knoxx inside the house. Nadatnan niya itong nakaupo sa sofa habang ang luggage naman nito ay nasa ibaba ng hagdanan. Nakapikit ito at marahan