“WOAH,” Autumn gasped upon seeing the clear blue waters of Camotes. Para siya nitong iniimbita na lumusong dito. “Knoxx, ang ganda ng dagat!” sabi niya habang naglakad sila sa bridge. Kakababa lang nila sa barge at sa dulo ng bridge ay ang Consuelo Port kung saan may mga van na naghihintay. Surely, isa do'n ay para sa kanila. “I know. Nakakaexcite maligo,” sabi nito at sinabayan pa ng tawa. Hila-hila nila ang kanilang mga bagahe hanggang sa nakakita sila ng lalaking may hawak na paper kung saan nakalagay ang pangalan nila. The font size is just enough for them to read it. Sa gilid ng van ay may nakalagay na ‘Camotes Island Tour’. Ang sabi ni Knoxx, tatlong araw raw ang binook ng mga magulang nito. Bigla siyang na-excite. Sabik na siyang ma-tour ang Camotes at lumusong sa dagat nit