"IYONG katulad mo." Kapwa sila natahimik sa kanyang isinagot. Nagtitigan lang sila sa isa't-isa na para bang huminto ang oras. Nakita niya ang paninigas ng lalaki. Talagang natigilan ito at nabigla sa sagot niya. Then, his face contorted in confusion. Nagbukas-sara ang labi nito na para bang may gustong sasabihin ngunit hindi masabi-sabi. She sees something in his eyes. Para bang hindi ito makapaniwala. Nag-iwas ito ng tingin ngunit, bago pa iyon mangyari ay kitang-kita niya sa mga mata ng lalaki ang nais nitong sabihin. Rejection. His eyes tell her so. Sumikip ang dibdib ni Autumn sa nakita sa mga mata nito at pakiramdam niya'y kakapusan siya ng hininga. When she sensed that he's about to speak, inunahan niya na ito. "Boom kilig! Naniwala ka, noh?" pabiro niyang sabi at sinund