Hello, mga sismars! Before niyo babasahin ang UD, may sasabihin lang akong importante. Char! Nasa profile ko na pala ang story ni Snow. Heavenly ang title tapos may nilagay akong question sa huli. Please, pakisagutan mga sis HAHAHAHAHAHA Gusto ko lang hingin opinyon niyo. Salamat! Oh, sige, basa na mga sismars HAHAHAHAH
-----
“BOYFRIEND MO ba talaga ‘yong naghatid sa iyo dito no’ng isang araw?” Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang kanyang mga nanay-nanayan sa bilis ng pangyayari. Parang isang araw lang, kakasabi niyang wala na sila ni Aidan then the next week, boom, new boyfriend.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay parati pa rin siyang kinulit ng kanyang mga nanay-nanayan. Knoxx is busy at work at tatlong araw na rin silang hindi nagkikita but they communicate. Tinawagan siya nito paminsan-minsan. She hates to admit it but she misses Knoxx so bad. Hindi siya sanay na hindi nakikita ang lalaki.
Nasa sala ngayon si Autumn kasama ang kanyang mga nanay-nanayan, nakaupo sa sofa habang ang kanyang mga nanay-nanayan naman ay nasa kanyang harap at nakatitig sa kanya na animo’y naghihintay ng chika. Napairap siya sa hangin.
“Nanay Oracion naman, eh! Hindi nga! Ambisyoso lang talaga ‘yon!” Ngumiti ang dalawang babae na kaharap na animo’y inaasar siya. Napasimangot si Autumn lalo na no’ng sinundot ng kanyang mommy Flor ang kanyang tagiliran.
“Okay lang naman, anak, eh. Pogi naman siya. Medyo, hindi nga kami makapaniwala dahil pinatulan ka talaga no’n.” Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ng kanyang mommy Flor. Madrama siyang napahawak sa kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito! Kaya pala ito hinimatay!
“Ah, so sinasabi niyo bang pangit ako ‘my?” Pabiro niya itong tinaasan ng kilay na ikinahagikhik ng mommy niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo.
“Sige, Oracion, ubusin muna natin ‘yong tsokolate, ha. Baka bawiin, eh. Hehe,” sabi ng kanyang mommy bago pumanhik sa itaas. Sumunod ang kanyang nanay Oracion. Napangiti si Autumn at napailing-iling. Ang mga nanay-nanayan niya talaga. Autumn is too blessed dahil kahit wala na ang kanyang mga magulang, nakaramdam pa rin siya ng pagmamahal.
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Ingay ng T.V na nagmula sa itaas ang tangi niyang naririnig. Hinala ni Autumn ay nanonood na naman ng Barbie ang kanyang mga nanay-nanayan. Paborito ng mga ito ang Barbie pati na rin ang Disney Classics. Well, they are children at heart. Ani ng mga ito, kapag pinapanood nila ang mga gano’ng klaseng pelikula ay parang binabalik sila sa kanilang kabataan.
Napangiti si Autumn nang marinig ang halakhak ng kanyang mga nanay-nanayan. Minulat niya ang mga mata at tumingin sa orasan. Alas-kwatro y media na at wala naman siyang gagawin. Napanguso siya at tiningnan ang kanyang sss. Araw-araw, parati siyang makatanggap ng job offerings at nasa kanya lang kung tatanggapin niya ‘yon o hindi. May iba na dine-decline niya dahil masyadong malayo o ‘di kaya’y ‘di makatarungan ang fixed budget ng kliyente. Ang pinakamalayong napuntahan niya siguro ay Manila dahil sagot na rin ng kliyente ang kanyang flight.
Nag-scroll down siya nang may makitang magandang offer. Mamayang gabi raw, alas-otso sa BE Hotel, may anniversary party na gaganapin. Nakalagay rito ang theme ng party. Malaki-laki rin ang fixed budget! Game! Agad niyang tinanggap ang offer at muling tiningnan ang orasan. May apat na oras pa siya upang makapaghanda.
Umakyat si Autumn sa taas at rinig niya ang mga halakhak ng kanyang mga nanay-nanayan sa theatre room na pinagawa niya noong una siyang nagkasweldo. Mahilig kasi manood ng pelikula ang kanyang mga nanay-nanayan.
Pumasok siya sa kanyang kwarto at inayos ang kanyang mga gagamitin. Sinigurado niyang kompleto ang kanyang mga acrylic paints, palette, at mga paintbrushes. Tiningnan niya isa-isa ang laman ng acrylic. Konti na lang ang laman ng black, white, red, at yellow. She mentally take note of the colors that she needs to buy and go inside her walk-in closet. Binuksan niya ang cabinet at naghanap ng maisusuot. Gold and black daw ang theme ng party ngunit wala siyang mahanap na maisusuot na babagay sa theme ng party. Napanguso si Autumn at sinarado ang kanyang cabinet. Pupunta na lang siya sa Mercado dahil marami namang dress for rent doon. Ayaw niyang magsayang sa isang bagay na isang beses lang gagamitin. Ang Mercado ay parang tiangge lang.
Nagpaalam siya sa kanyang mga nanay-nanayan na aalis siya at bumaba naman ang kanyang nanay Oracion para isara ang pinto. “Mag-ingat ka, anak,” sabi nito sa kanya. Hinalikan niya ito sa pisngi bago umalis. Nagpara siya ng tricycle. Tiningnan niya ang kanyang itsura sa salamin ng trike. Maayos naman siyang tingnan. Nililipad ng hangin ang kanyang bangs. Napasimangot siya. May pagkakataon na gusto niyang mag-bangs. May pagkakataon din na naiirita siya rito. Plano niyang huwag na gupitan ang kanyang bangs at hayaan na lang itong tumubo.
Pagkarating niya sa Mercado, agad siyang nagpunta sa isang boutique. Sinalubong naman siya ng isang babaeng may kaedaran na. Binigyan siya nito ng isang ngiti. “Anong klaseng damit ang kailangan mo, hija?” the woman gently asked.
“Black and gold po ang theme,” sabi niya rito. Paulit-ulit nitong tiningnan ang kanyang katawan na animo’y tinatantsa kung anong gown ang babagay sa kanyang katawan. Sinundan niya ito nang magsimula itong naglakad.
“Ito mga black and gold namin. Tiyak na kahit saan d’yan ay babagay sa iyo.” Tiningnan niya ang mga gown na nasa kanyang harapan pero isang long gown ang kumuha sa kanyang atensyon. Kinuha niya ito. Halter top ito na kulay gold at glitters na tela ang ginamit habang ang skirt naman nito ay kulay black na silk. Ang haba nito ay three inches below the knee. Simple lang pero ang elegante tingnan. She faced the mirror and put the gown in front of her body. Napangiti siya sa nakita. Bagay na bagay ito sa kanya.
Bumaling siya sa matandang babae at nakita niyang nakangiti ito habang tiningnan ang kanyang repleksyon sa salamin. “Pwede ko po bang isukat?” tanong niya rito. Tumango ito at itinuro sa kanya ang fitting room na agad niyang tinungo. Excited niyang isinukat ang napiling gown at gano’n na lang ang panlalaki ng kanyang ngiti nang makitang kasyang-kasya ito sa kanya. It was as if the dress is made specially for her. Mas nae-emphasize ang liit ng kanyang bewang dahil sa skirt nito. Para siyang nakasuot ng peticote. She turned around at napahanga sa ganda ng gown.
Hinubad niya ito at nagtungo sa cashier upang bayaran. “Sa ‘yo na lang iyan, hija. Dalawang taon na kasi ‘yan dito at plano naming gumawa ulit ng bago,” sabi ng matandang babae. Nasorpresa siya sa nalaman. Matagal na ang gown ngunit kung titingnan ay parang bago pa lamang. Nagpasalamat siya sa matandang babae at lumabas. Kapag sinuswerte ka nga naman, oh. Alam niyang isang beses niya lang magagamit ang gown, but who knows? Baka may iba pa siyang panggamitan nito.
Naalala niya ang mga acrylic paints at sumakay siya ng jeep upang magtungo sa Super Metro. No’ng nakarating na siya, agad siyang nagtungo sa third floor at bumili ng mga kailangan niyang bilhin. Biglang bumalik sa kanyang mga alaala ang kanyang kabataan. No’ng high school pa lamang siya, bumibili kasi siya ng pocket books dito sa Super Metro pero habang palaki na siya, nawawalan na rin siya ng time sa pagbabasa kaya ayun, she stopped reading pocket books. Ang mga pocket books niya ay napunta sa kanyang mommy Flor na nakahiligan na rin ang pagbabasa
Nag-vibrate ang kanyang cellphone, hudyat na dapat niya nang umuwi upang mag-ayos. Parati siyang nagpapa-alarm dahil minsan kasi, masyado siyang nawiwili sa kaka-shopping. Kinuha niya ang cellphone at pinindot ang “dismiss” tsaka sumakay ng tricycle para makauwi.
NO’NG NAKARATING na siya, agad siyang nagtungo sa kanyang kwarto upang maligo. Afterwards, she dried her hair and put on her gown. Umupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror at nag-ayos. Ilang buwan niya talaga pinag-practice-an ang pagme-make up para na rin sa kanyang trabaho. Masyado naman kasing mahal kung kukuha pa siya ng make-up artist o ‘di kaya hairstylist. Kung pwede namang siya ang gumawa no’n, why not? Money-saver pa.
She applied a red lipsitck and gold eyeshadow. Nag-eyeliner na rin siya at naglagay ng konting blush-on. Light make-up lang ang kanyang ginawa dahil ayaw niya ‘pag heavy. Hindi siya komportable. She braided her hair into a half ponytail and put on her gold heels. Kinuha niya ang kanyang black purse at nilagay ang mga kailangan niyang dalhin. Now, she looks pretty and ready. Gandang-ganda siya sa sarili niya!
Tumingin siya sa orasan. 5:30 na at dapat, nandoon na siya pagsapit ng alas-syete. She mentally calculated. Kung pagbabasehan ang distance ng bahay nila at ng hotel, siguradong makakarating siya roon pagsapit ng alas-syete y media. She shrugged her shoulders. Not bad.
“Autumn! ‘Yong boyfriend mo nandito na!” Kumunot ang kanyang noo sa sigaw ng kanyang mommy Flor. Isang lalaki lang naman ang kinikilala nitong boyfriend niya. Nandito si Knoxx? Pero bakit? Autumn felt giddy. Makikita niya na ulit ang lalaki! Ano kayang ginagawa ng lalaki sa bahay nila?
Muli siyang tumingin sa salamin at nanlumo nang makita ang kanyang ayos. May pupuntahan nga pala siya ngayong gabi. Hindi niya masyadong makasama si Knoxx ngayon bukod sa nagmamadali rin siya. Disappointed siyang bumaba bitbit ang kanyang foldable canvas kung saan din nakalagay ang mga kailangan niya sa pagpipinta. Kumunot ang kanyang noo nang makitang nakasuot ng tuxedo si Knoxx. Napatingin ito sa kanya. She saw his eyes sparkled. Hindi niya alam kung dahil ba ‘yon sa kinang na hatid ng kanyang damit o dahil sa ilaw.
No’ng nakalapit siya rito, hindi pa rin ito nagsalita. Nagsalubong ang kilay ni Autumn. Ano ang nangyayari sa lalaki? Para itong nakakita ng multo. Tinapik niya ito sa balikat at napakurap naman ito.
“Autumn?” tawag nito sa kanyang pangalan.
“Naka-drugs ka ba? Ano palang ginawa mo rito ba’t ka naka-tux? May pupuntahan ka ring party?” Pinitik nito ang kanyang noo. Napapikit si Autumn sa sakit at hinampas ito sa balikat. “Bakit mo iyon ginawa?” tanong niya rito.
“Ikaw ang naka-drugs! Nakalimutan mo na ba?” May inilapag itong invitation card sa kanyang tabi at do’n niya lang naalala ang anniversary party ng mga magulang nito. Mabilis niyang kinuha ang card at binasa ang laman nito. BE Hotel ang venue at black and gold ang theme ng party. Naalala niya bigla ang tinanggap na job offer. Posible kayang. . .? Great! What a great coincidence! So. . . makakasama niya si Knoxx ngayong gabi? Kinagat ni Autumn ang labi sa naisip. Ang harot niya!
“Kanina pa ako tawag nang tawag pero ‘di mo sinagot. Akala ko tuloy tinakasan mo na ako,” sabi nito. She turned on her phone at tama nga ito. May ten missed calls galing sa lalaki na hindi niya sinagot. Nagpakawala siya ng buntonghininga.
“Sorry naman. Naka-off ‘yong phone ko para ‘di ma-lowbatt!” Inirapan lang siya nito at pinagkrus ang braso. Nginuso nito ang kanyang foldable canvas.
“Ano ‘yan?” tanong nito. She shrugged and stood up.
“Work. Basta, malalaman mo rin mamaya,” sagot niya rito bago tumalikod. Lumabas na siya at nakita niya ang kanyang nanay Oracion na nasa labas at nagce-cellphone habang ang kanyang mommy naman ay nagbabasa ng pocket books na binigay niya rito. Nagmano siya sa kanyang mga nanay-nanayan at gano’n din si Knoxx.
“Una na po kami, nay. Lock niyo pinto, ha. Tapos siguraduhin niyo muna kung sino ang nag-doorbell bago pagbuksan ng pinto. Gabi na,” paalala niya rito. Tumango lang ang mga ito at sinabihan sila na mag-ingat.
Sumakay na sila ni Knoxx sa kotse nito at nagsimula na itong paandarin ni Knoxx. Para itong nababahala habang nakatingin sa kanyang foldable canvas. Kumunot ang noo ni Autumn. Para kasing gustong-gusto nitong malaman kung ano ang kanyang dinadala. Pinigilan niya na huwag tumawa lalo na no’ng bumuka ang labi nito para sana’y magtanong pero sa huli, itinikom din nito ang bibig.
“I paint. Your parents hired me. Coincidence.” Mabilis siya nitong tiningnan bago binalik ang tingin sa daan.
“Ikaw ‘yon? Ang painter na pinadalhan ko ng email?” ‘di makapaniwalang tanong nito. Kumunot ang kanyang noo.
“Ikaw ang nag-email sa akin no’n?” Wow! Grabe! Sabay silang natawa nang mapagtanto ang mga pangyayari. ‘Di niya ito masisisi dahil wala namang picture ang kanyang sss account.
“Pero wow, you’re so talented,” puri nito sa kanya no’ng natapos sa pagtawa. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi sa puring natanggap. Parang kiniliti ang kanyang puso. Nagpasalamat siya rito sa mahinang boses.
“Flattered ka naman?” sabi nito sa tonong nang-aasar. Hinampas niya ito sa balikat.
“Sige, asarin mo pa ako!”
“Oo, tapos iiyak ka na naman at hahalikan kita para patahimikin.” Silence. Iyon ang kasunod no’ng binitawan ni Knoxx ang mga katatagang iyon. Para bang ngayon lang nito napagtanto ang sinabi. The atmosphere suddenly became awkward. Why did Knoxx have to say that? Tumingin si Autumn sa labas ng bintana. Ngayong sinabi ito ng binata, bumalik sa kanyang mga alaala ang mga pangyayari. Kinagat niya ang kanyang labi at napahawak nang mahigpit sa kanyang purse, pilit na inaalis ang memoryang iyon sa kanyang utak.
Wala silang imikan hanggang sa nakarating sila sa venue. Binati sila ng mga staffs at pinapasok sa isang hall. Marami-rami na rin ang mga tao ngunit hindi pa nagsisimula ang event. Naramdaman niya ang paghapit ni Knoxx sa kanyang bewang na naging dahilan upang magsitaasan ang kanyang mga balahibo sa batok. Tumatagos ang init ng palad nito sa kanyang suot. Kinuha nito ang bitbit niyang foldable canvas.
“Son! Is this your girlfriend?” May lumapit sa kanilang lalaki na may kasamang babae. Kapwa ito nakangiti. Ngumiti siya rito at nagmano. Namuo ang kaba sa kanyang dibdib ngunit agad iyong nawala nang makita ang mga ngiti ng mga magulang ni Knoxx. Now, she suddenly feels bad for lying. Hindi naman talaga siya kasintahan ni Knoxx.
“Good evening po,” bati niya rito. Nakita niya na hinampas ng mama ni Knoxx ang balikat ng asawa nito.
“Magaling pumili ang anak natin,” sabi nito sa asawa na ikinapula ng pisngi niya. Mas lalo iyong nag-init no’ng hinalikan ni Knoxx ang kanyang noo.
“Of course, mom. Mana kay dad.” Nagtawanan naman ang pamilya at nakisabay na rin si Autumn. Hindi niya alam kung ano ang ibibigay na reaksyon.
“Nga pala, nasaan na ‘yong painter, Knoxx? Tinanggap niya ang deal, ‘di ba? Gusto ko na siyang makita. Hindi niya naman pinapakita ang mukha niya kapag nagti-t****k,” sabi ng mama ni Knoxx at ngumuso. Napakamot ng kilay si Autumn. She looked at Knoxx behind her lashes at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. May maliit na ngiti sa labi nito.
“Actually, mom. She’s here right beside me.” Sabay na napatingin ang mga magulang ni Knoxx sa kanya, kapwa nanlalaki ang mga mata. Hindi alam ni Autumn kung matatawa ba siya o ano. Para kasi itong nakakita ng kayamanan.
“Hello po. Salamat sa offer,” sabi niya sa mga ito ngunit nanatili itong nakatitig sa kanya. Maya’t maya pa ay marahan siyang hinila ng mama ni Knoxx sa tabi nito at binigay ang cellphone kay Knoxx. Nakita niyang nagsalubong ang kilay ng daddy ni Knoxx at saka siya hinila sa gilid nito.
“Dito siya sa tabi ko!”
“No, dito!”
“Uh, m’am, sir, sa gitna niyo na lang po ako,” sabi ni Autumn nang maramdaman niyang malapit na siya nitong pag-awayan. Sumilay ang ngiti sa mga magulang ni Knoxx bago siya nilagay sa gitna ng mga ito.
“Picture-an mo kami. Dali!” Natawa si Autumn sa narinig at napatingin kay Knoxx. Napailing-iling lang ang lalaki na para bang ‘di makapaniwala sa inakto ng mga magulang nito at sinapo ang noo.
NASA GILID ng stage si Autumn at naka-set-up na ang kanyang mga kakailanganin sa kanyang harap. Kanina pa nagsisimula ang event at no’ng tapos na siyang kumain, agad siyang pumunta sa kanyang pwesto. She remembered the kiss that the couple shared at iyon ang napagdesisyunan niyang ipinta. Nasa kalagitnaan na siya ng pagpe-painting no’ng tumikhim ang papa ni Knoxx.
“Attention, everyone! Aside from our anniversary party, we’re also here to celebrate my son and his fiancee’s engagement party!” Hindi makapaniwala si Autumn sa narinig. Biglang kumirot ang kanyang puso. Naguguluhan siya. Ano ang ibig sabihin ng mga ito? May fiancee si Knoxx? Pero sa pagkakaalam ng mga ito’y siya ang kasintahan ni Knoxx? Hindi kaya. . .
“Let me welcome my son, Dr. Knoxx Silva, and his fiancee, the famous painter, Ms. Autumn Aurello!” Nabitawan ni Autumn ang kanyang paintbrush at tumingin kay Knoxx. Katulad niya’y hindi rin ito makapaniwala sa nangyari. Their gazes met, both pair of eyes are full of confusion.
What the hell is happening?