NAGPALAKPAKAN ang mga tao sa kanilang paligid. Autumn remained frozen in her seat at gano'n din si Knoxx. Hindi pa rin nila binabawi ang tingin sa isa't-isa. Punong-puno ng pagtataka ang mukha ni Knoxx nang muli silang tinawag ng daddy nito. Wala silang nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa harap ng stage. Nanginginig ang mga kamay ni Autumn pati na rin ang kanyang mga tuhod. Pinagsiklop ni Knoxx ang kanilang mga kamay at katulad niya'y para rin itong kinakabahan. Nanlalamig ang mga palad nito. Autumn looked at their intertwined hands. Gusto niya ang init na hatid ng palad ni Knoxx. Para nitong kinakalma ang buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya’y hindi siya nag-iisa. She pressed Knoxx's hand and he did the same. It was as if they draw strength from each other. Binigay ng ginoo