NAKANGITING kumaway si Kana kay Grant nang makita itong nakasandal sa sasakyan. Nasa labas na siya noon ng ospital. Sabay silang nagtungo na naman dito ni John. Pero magkaiba ang sadya nila. Siya sa doctor na tumingin sa kanya nitong huli. Si John naman ay… Pinilig ni Kana ang ulo dahil sa isiping iyon. “Kumusta? Ano ang sabi ng pinsan ko?” Oh, yes. Napag-alaman niyang pinsan iyon ni Grant matapos makita ang full name nito sa hawak niyang result kanina. Kita ni Grant ang lungkot ni Kana kaya lumapit ito para yakapin ang kaibigan. Ilang beses pa nitong hinaplos ang likuran ni Kana kaya nakaramdam ang dalaga nang pag-iinit sa mata. Kaya tinulak niya ang kaibigan at tinampal sa dibdib. “‘Wag nga ako! Alam mo na ang result tapos tatanungin mo ako?” kunwa’y sabi ni Kana. Sinabi lang niya i