AKMANG hahawakan ni Kana ang kamay ni John para pigilan itong pumasok sa silid ni Simone nang tanggalin nito ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay niya nang din napansin ni John. “Hindi ka pa sigurado na ikaw ang ama, ‘di ba?” “Saglit lang naman ako. Saka ayokong dumating ang araw na pagsisisihan ko ang bagay na ito, hon.” Hindi nakaimik si Kana. Napayuko lang ito. “Aalamin ko lang ang kalagayan ni Simone. Pangako, mabilis lang ako.” Nag-angat nang tingin si Kana. Wala siyang emosyon ng mga sandaling iyon, pero hindi man lang nakita ni John. Ang isipi nito ay nasa babaeng umuukupa ng silid na iyon. Mapaklang ngumiti si Kana pagkuwa’y tumango na lang. Wala naman siyang magagawa. Paano nga kung si John ang ama? Hindi naman niya ito masisi dahil nawalan ito nang ulirat. Kaya ang dapat