3 YEARS LATER… AUSTIN, TEXAS Masigabong palakpakan ang sunod na narinig ni Kana pagkatapos ng inspirational message niya. Naimbitahan siya ng dating doctor niya rito sa Texas para magbigay nang mensahe sa mga pasyente nito. Isa siya sa mapalad na napili para mag-share ng karanasan. Kung paano ba niya nalagpasan ang mga pagsubok na iyon. Halos isang taon din silang naghanap ng bonemarrow donor para sa kanya. Naglabas na ng malaking pera ang Daddy niya para mapadali umano ang paghahanap. Pero inabot pa rin ng taon bago sila nakakuha. Sa loob ng dalawang taon din after ng transplant, bumalik agad ang sigla at ang lahat sa kanya. Pati ang buhok niya. Bob cut lang ang kaya ng buhok niya sa ngayon. Pero kapag kinakailangan, nagsusuot siya ng wig hair kapag haharap sa media. Gaya ng buhok niya