“DO you think, magiging masaya ang pagsasama natin bilang mag-asawa kapag pinagpilitan mo ang kasalang ito?” walang buhay na tanong ni Kana kay Grant. Nakaupo siya noon sa kama pero balot na balot ang sarili ng kumot dahil sa lagnat na nararamdaman. Bukas na ang kasal nila pero heto, masama ang pakiramdam niya. “No, Grant. I’m dying. Can’t you see?” Ngumiti pa siya nang ipakita ang mga braso. Pero gaya nang sabi niya, walang buhay. Walang kulay. “No! You will not die, Kana! Hindi ako makakapayag.” Umiling-iling pa si Grant. “Hindi.” “Nang ibigay mo ang kondisyon na ‘to kapalit ng bone marrow mo, para mo na akong pinatay. Hindi na rin kita kayang tingnan bilang kaibigan, Grant. Kaya hindi ko mapapangako sa ‘yo magiging masaya ang pagsasama natin gaya nang hiling mo. Pakiramdam ko, nasa