MAAGANG nagising kinabukasan si Kana para puntahan si John. Pero pagdating niya, nag-aayos na ng gamit si John. Lahat na ay isinilid nito sa isang bag. “S-saan ka pupunta?” nauutal niyang tanong. Kahit na alam ni Kana ang problema ng nobyo, nagawa pa rin niyang tanungin ito. Kagabi kahit na sinabi na niyang hahayaan ang nobyo, pero hindi niya pala kaya. Nagpadala siya nang text dito kagabi pero wala siyang reply na natanggap. Sinabi niyang puntahan siya nito sa silid niya, pero namuti lang ang mata ni Kana. Doon siya nagsimulang mag-alala. Hindi niya pala kayang ibigay si John kay Simone. Pero mukhang galit din ang nobyo sa kanya dahil sa pagkakulong nito noon. “Nagpaalam ako sa Daddy mo, may mahalaga lang akong gagawin sa Bicol. Babalik din naman ako kaagad. Baka kasi biglang tumawag