“HINDI talaga sumasagot ang pinsan ko, John. Kailangan na niyang malaman na ikakasal na tayo.” Halata ang iritasyon sa mukha ni Simone noon. “Ayokong magkaroon ng isyu tungkol dito. B-baka sabihin, inagaw kita sa kanya.” Natigilan si John sa pagtulak ng cart nang marinig ang sinabi ni Simone. Hindi niya alam na tinatawagan nito si Kana. Sabi niya rito, siya na ang bahalang magsabi. Ayaw niya namang biglain ang nobya. “Let me borrow your phone. I’m sure sasagutin niya kapag number mo ang gagamitin natin. Kailangan nating makuha ang blessing mula sa kanya.” Akmang kukunin ni Simone ang bag niya nang ilayo iyon ni John. “Ako na ang bahala sabi!” Ilang beses na rin niyang sinabi kay Simone pero ang hirap nito umintindi. Nagmamagaling. Ayaw niya pa naman pangunahan siya nito sa desisyon.