NAGISING si Kana na hilong-hilo. Baka dahil sa gamot at mga naiturok sa kanya nang isugod siya rito. Wala rin siyang lakas ng mga sandaling iyon. Wala naman siyang ideya sa totoong kalagayan niya, basta nagising na lang siya na ganito. Pero alam niyang isa sa nagpahina sa kanya ang huling balita na natanggap niya. Para bang inubos nito ang lakas na natitira sa kanya. Nadala niya rin sa panaginip ang natanggap na text mula kay John kaya naman parang hindi rin siya nakapagpahinga. Paggising niya, halata sa mukha niya. Kaya kung titingnan siya ngayon, parang nadagdagan ang edad niya ng ilang taon. Mabuti na lang at wala rito ang magulang niya. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa nurse na si Harper nang pumasok ito. Tsinek siya nito mayamaya. May mga ni-remind din ito sa kanya. Mamaya rin daw