“Wine or—” “Just water,” aniya sa waiter na nag-alok sa kanya. “Thanks.” Sunod-sunod niyang nilagok ang tubig para pakalmahin ang sarili. Mabuti na lang at hiniram ng Daddy niya ang anak. As usual, para ipagyabang na naman na may apo na. Hindi na nga raw ito nahuhuli kapag nagyayabangan ng mga apo kasama ang mga kaibigan. Ayaw na niyang uminom ng alak pagkatapos ng nangyari sa Texas. Baka mamaya, magising na naman siya na hubo sa isang silid tapos hindi alam kung sino ang nakatalik. Hinanap ng mata niya si Laura para may makausap man lang. Pero hindi niya ito makita. Ito lang ang madalas niyang nakakausap kapag nagtatanong tungkol kay John noon. Pero this time, hindi naman si John ang gusto niyang i-topic dahil maliwanag pa sa sikat ng buwan ngayon kung ano ang kalagayan ni John. “Ate