“IS there anything important on my schedule for today?” tanong ni Kana sa secretary niya nang mag-angat nang tingin dito. Binigay niya rin dito ang mga pinirmahang papeles. “Wala na po, ma’am. Na-resched po ni Mr. Willis ang meeting na dapat ay mamaya” “Good.” Tumayo si Kana. “Kailangan kong umalis nang maaga. Tawagan mo ako if may problema. Alright?” Tumingin pa si Kana sa relo nito. Kailangan niyang umabot sa party ni Francy Lou. Dahil kung hindi magtatampo na naman ito sa kanya. Pagkaalis ng secretary ay dinaanan niya ang coat. Maging ang regalo niya ay bitnitbit niya rin. Hindi pa nakakapasok si Kana sa elevator nang marinig ang boses ng secretary. “Ma’am, si Chief po, paakyat po.” “Si Daddy?” “Yes po.” Tumango siya rito. Binigay niya sa secretary ang hawak na regalo nang t