LALONG nadagdagan ang kuryusidad ni Kana nang ipalipat ni John sa CMC ang ina nito. Naka-VIP pa. Marami ring mga naka-civilian na nakabantay sa paligid at mukhang mga sanay sa labam. Meron din parang bouncer. Of course pamilyar siya sa ganyang pangangatawan dahil sa bar niya. Saka si John, hindi na mapakali. Marami ring bisita ito at iniiwan siya para lang kausapin ang mga ito sa private room. Minsan, inaabot pa ng tatlong oras ang pag-uusap ng mga ito. Gaya ngayon. Napaupo si Kana nang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si John at Kenjie. “Anak!” masayang tawag niya sa anak nang makita ito. “Mama!” Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kanya. “How’s Lola po?” Bumaling pa ito sa ina ni John. Tumingin siya kay John na bahagyang nakangiti. Mukhang gusto nitong siya ang sumagot k