ANG buong akala ni Kana, sa apartment nito siya dadalhin. Dinala siya nito sa isang eksklusibong subdibisyon siya nito dinala. Hindi lang iyon, mataas din ang gate at hindi kita ang loob ng bahay na pinasukan nila. “K-kanino ito?” tanong niya kay John na puno nang pagtataka. “Sabi ko naman sa ‘yo, dadalhin kita sa bahay ko,” nakangiting sabi nito “A-akala ko sa apartment mo ako dadalhin.” Hindi na ito nakasagot dahil bumaba na ito. Lumipat ito sa side niya at pinagbukas siya. Walang sumalubong sa kanila na kasambahay, pero may nakita siyang ilang tao na nagbabantay sa paligid. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang baril na hawak ng mga ito kaya napatingin siya kay John. Napansin nito ang paglunok niya kaya sinenyasan nito ang nakita niya na tumalikod. “N-nasaan ba talaga tayo, John?”