MATAGAL na tulala si Kana kaya naisipang lapitan ito ni John. “Hon?” untag ni John sa nobya. Mabilis na tinago ni Kana ang hawak na papel pero hindi iyon nakawala sa paningin ni John. “Ay, diyan lang pala naiwan ang kalahati ng resibo? Hinahanap kanina ni Astin ‘yan dahil kailangang mai-record daw.” Napatitig si Kana kay John. “K-kay Astin ‘to?” Tinaas niya ang resibo na iyon. Mabilis na tumango si John. Wala man lang siyang makita na kakaiba sa mga ikinikilos nito kaya pinalis na lang niya sa isipan. Baka gawa-gawa lang ni Simone iyon. Talagang desperada na ang pinsan niya. Binigay na lang niya kay John at nakangiting kumapit dito. Mabilis din niyang hinalikan ito sa labi nang mabilis na ikinawaang nito. “Let’s go,” nakangiting sabi ni Kana rito. Mukhang nagulat na naman niya si Jo