Part 8

2689 Words
Here Comes the Groom AiTenshi April 22, 2020   Part 8   "Hindi perfect ang kasal. Naging disaster ito sa pang gugulo ng babaeng iyon. Sasampahan ko siya ng kaso at makikita niya, hiniya niya ang buong pamilya ko!" ang wika ni papa habang pumapasok kami sa sala.   “Mali ang ginawa niyang pag buhos ng wine sa mukha ni Warren, actually mag sasampa rin ako ng case sa kanya, hindi naman siya invited diba? Bakit siya nandoon?” naiinis na tanong ni mama.   "Ma, Pa, hindi na kailangan. Yung babaeng iyon ay dating kasintahan ni Ronnie na iniwan niya at ibinasura para tumupad  sa political arrangement. Hindi lang niya matanggap na isang lalaki ang pumalit sa kanya kaya nagalit ito ng husto. Hayaan nalang natin siya. Kung sa akin man ito ginawa ay talagang magagalit ako, nasaktan siya dahil mahal niya si Ronnie, iyon lang yun," ang sagot ko   "Okay lang, pero huwag siyang mag kakamaling guluhin ang buhay niyo dahil ipapakulong ko ang babaeng iyon na walang pinag aral at iskandalo lamang ang gusto," ang sagot ni papa habang pumapanhik sa hagdan. Maya maya ay lumapit sa akin si mama at niyakap ako nito. "Sweetie okay ka lang ba? Huwag mo na isipin yung nangyari kanina ha. Maganda pa rin naman ang kinalabasan ng kasal mo at napaka gwapo niyo ni Ronnie kanina, lahat nga doon sa hotel pati yung mga guest sa lobby ay sinisilip kayong dalawa dahil sobrang perfect ng match niyo. Relax ka lang dito ha, mag pahinga ka dahil alam kong stress kana. Tingnan mo ang eyebags mo, daig mo pa may malalang problema," wika ni mama sabay halik sa akinh noo. Umakyat ito at sinundan si papa sa kanilang silid.   Ako naman ay napaupo sa sofa katabi si Shay, inalis ko ang aking tie sa leeg at saka hinubad ang aking itim na suit. "Nag woworry yung mga friends at classmates natin. Ang daming nangungumusta sa iyo, wala ka bang balak sumagot sa kanila? Lahat halos kami ay nashock noong gawin iyon nung babae."   "Okay lang naman ako. Medyo naguguluhan lang ako sa mga nangyayari. Siyempre, sabihin na nating nasaktan yung babae kaya niya nagawa ito, eto yung price na kailangan kong i-pay dahil nanira ako ng relasyon," ang sagot ko.   “Nanira ng relasyon? Hello, wala kang sinisira no, ang lahat ng ito ay hindi natin kontrolado. Saka wala kang babayarang anything dahil wala kang pag kakautang, sabunutan ko pa yung babae na iyon e,”  pag mamaktol ni Shay.   Natahimik naman ako at napatingin sa aking cellphone na noon ay maraming missed calls at text messages.   "Eh yung asawa mo kinakamusta ka naman ba? May care naman ba sa iyo? Kanina ay parang bale wala naman sa kanya yung nangyari. Kung masama akong tao baka inisip ko na planado niya ito, plan niya na i-ruin ang wedding niyo," ang wika ni Shay na di maitago ang pag kainis.   "Kung kinakamusta ako? Hindi, wala siyang kahit ano," tugon ko sabay pakita sa aking cellphone na walang mensahe mula sa kanya.   "Doon sa social media? O baka nag email siya sa iyo, tingnan mo nga,” hirit nito.   "Wala rin. Tingnan mo naka live pa nga ang gago, nag bar pa silang mag kakabarkada. Itinuloy pa rin ni Ronnie ang celebration kasama ng mga kaibigan niya at bale wala lang sa kanya ang lahat, kung sa bagay siya na rin ang nag sabi na wala naman sa kanya ito, chill lang," tugon ko.   "Hayaan natin siya. Bakit hindi natin tawagan yung mga classmate natin at mag celebrate rin tayo? Mag seset ako ng celebration doon sa bar ni tito, ano game?" tanong ni Shay habang naka ngiti, alam ko naman na kaya niya ako kinukulit ay para marelax ako at maiwasan ang labis na pag iisip.   "Siguro ay sa other day nalang. Pwede ba akong matulog muna? Parang gusto kong mahiga at mag kumot habang naka todo yung aircon sa kwarto," tugon ko naman.   "Sa tingin ko nga sobrang stress mo.  Alam kong pagod ka emotional and mental. Mag aabang na lamang ako ng taxi pauwi, much better kung mag rest ka muna," wika ni Shay.   "Ipapahatid na kita. Babalitaan kita bukas, o kaya ay tatawagan agad kita," tugon ko habang naka ngiti.   "Mag relax ka, sobrang haggard ang itsura mo, para kang pagod na pagod. Bye." pag papa alam ni Shay sabay tapik sa aking balikat ako naman ay nanatili ng ilang sandali sa sofa, malalim ang iniisip bago tuluyang maligo at mag desisyong matulog nalang.   KINABUKASAN.   Alas 10 ng umaga, isang katok ang aking narinig sa pintuan ng aking silid kaya agad akong bumangon para buksan ito. "Good morning ma, sorry medyo tinanghali ako ng gising," bati ko noong makita si mama na nakatayo sa aking harapan. Hinawi pa niya ang kurtina sa bintana kaya nasilaw ako at nag suklob ng kumot. “Ma, masakit sa mata, wala namang pasok, saka matutulog pa ako,” ang wika ko naman.   "Hijo, nandoon na sa baba ang asawa mo. Mag aayos daw kayo ng tirahan ngayon. May sakit ka ba? Bakit ba ganyan ang itsura mo?" tanong niya sa akin.   “Ma, sabihin mo sa kanya may sakit ako o kaya siya nalang mag isa ang mag ayos ng kung ano man iyon,” ang sagot ko naman. “Hijo, hindi maaari, ang pag aayos ng tirahan ay gawain ng mag asawa. May masakit ba sa iyo? Masama ba ang pakiramdam mo?”   “Wala pong masakit sa akin pero masama ang loob ko at ayoko siyang makita.” diretso kong sagot.   “Alam mo ba nag apology na ang pamilya Yuzon dahil sa kaganapan kagabi, huwag kana nga mag inarte. Bumangon kana at mag ayos ng iyong sarili,” ang sagot ni mama.   “Bakit ba kasi kailangan pa ako ikasal, nag sisisi ako!” ang galit kong bulong.   “Ano? May sinasabi ka ba Warren?” tanong ni mama.   "Wala po, mag hihilamos lang ako at mag sisipilyo." "O sige, papa akyatin ko na siya dito." ang wika ni mama ako naman ay nag tungo sa banyo para mag linis ng mukha. “Ha? Bakit aakyat siya dito? Maliligo pa ako mag aayos ng sarili,” ang pag kontra ko.   “Ano naman? Asawa mo yung tao, hindi mo kailangan mahiya sa kanya,” ang sagot ni mama sa akin.   Ilang minuto rin akong nakaharap sa salamin bago ko kuhanin ang tuwalya at mag punas. Pag labas ko ay bumulaga sa akin si Ronnie na nakahiga sa aking kama at nakapikit. Nakalagay ang braso sa noo, naka suot lang ito ng pang aaraw araw na damit at parang relax na relax sa kanyang posisyon. Maya maya dumilat ito at nag wika. "Maayos itong kwarto mo, maaliwalas saka malinis. Sobrang lamig lang kaya nakaka antok, kaibahan doon sa kwarto ko magulo at maraming tambak na kung ano ano. Sapatos ba lahat ng iyon? Koleksyon mo? Astig ah, puro branded." ang tanong niya habang bumabangon.   "Hindi naman, naipon lang iyan, regalo ng mga tita at pinsan ko sa upper class. Kumain ka na ba pare?" tanong ko habang nag pupunas ng mukha.   Natawa siya. "Pare talaga? Parang di tayo mag asawa niyan." ang sagot niya sabay tayo at pinag masdan ang mga larawan sa ibabaw ng aking cabinet.    Natawa rin ako. "Sorry, hindi pa kasi ako sanay. Nga pala, kamusta na yung girlfriend mo? Sana maayos na siya, ramdam ko yung galit niya kahapon sa akin."   "Siguro ay ayos naman siya. Makakahanap rin siya ng iba, saka di ko na siya gf, baka marinig ka nila mama at papa kung ano pang sabihin nila sa akin, nabasa mo naman siguro yung rules diba? So kung mayroon kang kasintahan much better kung talikuran mo na rin ito," ang sagot niya.   “Wala naman, single ako noong pumasok sa sitwasyon na ito, naging komplikado lang sa akin na tanggapin ang lahat,” ang sagot ko naman dahilan para matawa siya at muling maupo sa kama saka humiga, “Ako? Inihanda ko na yung sarili ko na matatali ako sa isang taong di ko naman kilala, kaya noong dumating ang oras na ito ay hindi na ako nabigla,” ang sagot niya habang naka tingin sa kisame.   Tahimik..   "Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko ulit.   "Dahil sumusunod ako sa protocol. Susunduin kita at titira tayo sa iisang bubong bilang mag asawa. Ginamit ko na yung regalong sasakyan sa atin ng papa ko at papa mo. Kung hindi ka marunong mag drive ay ako nalang ang mag ddrive para sa iyo. Wala namang problema iyon dahil asawa mo naman ako,” wika niya habang naka ngiti.   "Kailangan ba talaga? Alam mo pwede naman tayo dito nalang tumira, mabait naman sila mama at papa at isa pa masyadong malaki itong bahay para sa amin lang," tanong ko.   "Oo. Ayaw mo ba nun, malayo kana sa sermon sa parents mo. Gayak kana, hihintayin kita sa ibaba." sagot niya sabay tayo at lumabas sa aking silid. Ako naman ay nag ayos ng aking mga gamit, inilagay ko ang aking mga damit sa maleta kasama ng mga importanteng bagay katulad ng mga gamit ko sa paaralan.   Tumagal ako ng halos 30 mins sa pag aayos bago bumalik si mama sa aking silid. "Tayo na, nandoon na pala si Mr. Yuzon sa lilipatan ninyo. Excited kana ba? Alam mo na isa iyon sa pinaka sikat dito sa siyudad? May kamahalan doon pero we want the best para sa inyo ng Ronnie, pag nagustuhan niyo na doon ay pwede na natin itong bilhin,” dagdag pa ni mama.   "Hindi naman ako excited, paano ako magiging excited kung isang stranger ang makakasama ko sa isang bubong? Teka, paano tong mga gamit ko ma? Hindi ko naman madadala ito lahat doon ngayon.”   "Ipapasunod ko na lamang iyan. Puntahan mo na si Ronnie doon sa baba at mukhang naiinip na yung mokong doon," utos ni mama kaya naman agad rin ako bumaba kung saan naroon ito.   "Let’s go," ang wika niya sabay kuha sa aking bag.   Nag drive siya patungo sa sentro ng siyudad kung saan naroon ang gusali na aming titirhan. Masaya ang musika sa loob ng kanyang sasakyan, sinasabayan pa niya ito. Samantalang ako naman ay nakatahimik lang at abala sa pag pindot ng aking cellphone. "Marunong kang mag luto?" tanong niya sa akin. "Oo, nag aral kami ni mama ng culinary tuwing summer. Bakit?" tanong ko.   "Ayos, di kasi ako sanay mag luto. Mabuti nalang ikaw ang napangasawa ko." ang sagot niya.   "Natututunan naman ang pag luluto."   "Maganda yung kitchen doon sa tirahan natin. Tiyak na magugustuhan mo, may mini bar din doon at maganda ang view sa labas ng balkunahe."   Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Paano ka napa payag na mag pakasal sa isang lalaki?" tanong ko. "Noon pa sinasabi sa akin ni mama at papa na ikakasal ako sa taong di ko kakilala, nag handa na ako. Kahit sino pa iyan, babae, lalaki, matanda, bata, wala akong paki alam. Bakit ako napa payag? Binayaran ako ni Papa, 50 million ang ibinigay niya sa akin para mag pakasal iyo. Sa iyo? Mag kano ang ibinayad?" "Wala. Sinunod ko lang ang kanilang nais." ang sagot ko na parang nakaramdam ng pag kainis. Humarap nalang ako sa bintana at nag salpak ng earphone sa aking tainga.   Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang gusali. Nasa 3rd floor ang aming unit. Dito ay kasama namin umakyat si mama at papa pati ang mga magulang ni Ronnie. Lahat halos sila excited na ipakita ang aming bagong lilipatan. Kung sa bagay ay maganda naman talaga dito, mamahalin ang mga unit at hindi basta basta.Maluwang ang pinaka sala, malalaki ang sofa, may upper floor kung saan naroon ang bed room na may isang malaking kama.   "Mahilig daw mag luto si Warren kaya heto kumuha kami ng magandang kitchen, tiyak na mananaba si Ronnie nito." ang wika ni Mr. Yuzon.   "Bakit iisa lang yung kama?" tanong ko na may halong pag tataka.   "Super king sized naman itong kama. Bakit kailangan niyo pang mag bukod? Mag asawa naman kayo, matuto kayong mag share sa lahat ng bagay," wika ni mama.   “Pero ma, alam mo naman na di ako marunong matulog ng may katabi,” ang bulong ko naman. “Sshh , hijo makakasanayan mo rin ang lahat ng ito, mag adjust ka sa new life mo bilang isang asawa,” bulong rin ni mama.   "At siyempre maganda rin ang view dito sa kwarto niyo. Dont worry matibay ang glass wall na ito. At hindi kayo makikita sa labas, mayroon na ring gamit at mga damit sa cabinet. Kung tinatamad kayong mag laba may laundry doon sa baba. Yung CR ay may bath tub, medyo madulas lang yung tiles kaya mag iingat kayo. Complete appliances naman kayo dito at please lang kung mag luluto ay ingatan ang stove baka mag cause ito ng sunog. Ano pa ba? Ang office ko ay 30 minutes away lang, kung may problema ay tawagan niyo ako agad." ang wika ng ina ni Ronnie habang chine-check ang mga kagamitan.   "Huwag kayo mag papasok ng kung sino sino dito. Mahalaga ang privacy sa inyong dalawa, maliwanag ba Warren? Ronnie?" ang wika ni papa.   “Yes pa,” sagot ni Ronnie pero di ako kumibo.   "Ronnie, hindi porket apeliyido mo ang gamit ni Warren ay magiging bossy kana, pinapaalala ko na pantay lamang ang inyong rights pag dating sa mga bagay bagay bilang mag asawa. Alam kong nasa estado pa kayo ng malakawang pag aadjust pero makakasanayan niyo rin ang isa't isa." ang wika ni Mr. Yuzon   "Yes pa." tugon ni Ronnie   "Good." sagot ng kanyang ama.   At iyon nga ang set up, ito ang simula ng pag tira namin ni Ronnie sa iisang bubong ayon na rin sa protocol ng pagiging mag asawa. Hindi ko maunawaan pero pareho kaming nanantiya at pahilim na sinusuri ang ugali ng isa't isa. Kahit naman sabihing mag asawa kami ay hindi pa rin magiging madali dahil kung tutuusin ay halos wala pang 48 hours ko siyang nakakasama. Hindi ko rin alam kung paano siya kikilalanin o papakisamahan ng maayos.   Naka upo lang ako sa sofa habang siya naman ay nanonood lang ng tv, walang kinubuan.   Medyo nakaka boring ang oras na titingnan mo lang siyang nag eenjoy habang nanonood ng basketball sa tv.   Bandang alas 6 ng gabi, tungo ako sa kusina para mag handa ang pag kain. Umamoy ang ginisang bawang at sibuyas sa kusina. Maya maya ay nakita ko siyang naupo sa lamesa at pinanood akong mag luto. "Pasta? Gusto mo?" tanong ko.   "Oo naman. Siguro babawasan ko na ang pag kain sa labas dahil nandito kana."   "Di ka pinag luluto ng gf mo?" tanong ko.   "Hindi naman marunong mag luto iyon. Pag nag pupunta ako sa unit niya ay nag dadala lang ako ng pag kain tapos mag sesex kami. Kain s*x, kain s*x. Paulit ulit lang. Kaya siguro masyadong nabaliw sa akin,” wika niya dahilan para matawa ako. "Kaya naman pala malaki ang galit niya sa akin dahil malalim ang pinag samahan ninyo."   "Sakto lang." sagot niya. "Pwede wag na natin siya pag usapan? Ano nga palang itatawag ko sa iyo?" "Sa akin? Pare, pwede ring "tol" o "brad". Bahala kana." sagot ko.   Natawa siya. "Wala kang kalambing lambing no?"   "Wag na nga tayo mag panggap, tayong dalawa lang naman dito. Hindi mo naman tungkulin na pakisamahan ako. Binayaran ka lang naman ng parents mo kaya nandito ka. Katulad ko, sinunod ko lang din ang mga magulang ko kaya nandito ako. Chillax lang, huwag natin bigyan ng pressure ang isa't isa." ang wika ko sabay ngiti.   Ngumiti rin siya. "Kung sa bagay tama ka TOL!" ang tugon niya.   Napatingin ako sa kanya pero agad ko rin itong binawi. Humarap ako sa aking niluluto at natahimik ng panandalian. Marahil ay unti unti na ring nag ssink in sa aking isipan na ito na pala ang pag babago sa takbo ng aking buhay. Ang pag kakaiba lang ay hindi ko na alam kung saan patungo ang agos nito, sa mga bagay ba na ikasasaya ko o baka may iba pa?   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD