Part 7

2605 Words
     Here Comes the Groom AiTenshi April 20, 2020   Part 7   Ang aming nakatakdang kasal ay gaganapin sa isang five star hotel sa siyudad. Dadaluhan ito ng mga piling business partners ng parehong partido. Mayroon ring mga personal na bisita katulad ng mga kamag anak namin, ang kaibigan, guro at kaklase. Pag pasok ko pa lamang sa entrance ay kumakabog na ang aking dibdib lalo na noong salubungin ako at batiin ng mga kaibigan ni Ronnie na hindi ko naman kilala. "Congrats tol, sana maging maligaya kayong dalawa ng groom mo," ang wika nila habang naka ngiti, ako naman ay hindi maipinta ang itsura noong mga sandaling iyon.   Ngiti lang ang aking isinagot.   Dito ay dumagsa na rin ang mga bumabati sa akin na kaibigan, kaklase at pati ang aking mga guro na masayang masaya sa espesyal na araw na ito. Ako naman ay naka ngiti at nag papasalamat sa kanila. "Congrats Warren, perfect match kayo ng groom mo. Pareho kayong gwapo at artistahin ang dating. Binati na rin namin siya kanina at magalang naman siya, mukhang responsible," ang wika ng aming prof.   "Salamat po sir. Enjoy po kayo dito ha," ang wika ko. "Shay, ikaw na ang bahala sa kanila."   "Ofcourse! Saka diba, di naman sila lugi? Gwapo rin ang sa atin. Laban na laban diba?" ang wika ni Shay at pinarinig pa ito sa kabilang partido.   "Yes naman! Baka nga tayo pa ang lugi e. Basta perfect match kayong dalawa!" ang hirit ng mga kaklase ko.   Tawanan sila..   Bago ako pumasok sa entrance ng mini chapel sa loob ng hotel ay sinalubong pa ako ng parents ni Ronnie. Pareho nila akong niyakap at binati, kapwa sila masayang masaya sa nagaganap na pag bitay sa kaligayahan ko. Sina mama at papa naman ay nag tungo kay Ronnie na noon ay nakatayo sa altar nag hihintay, suot ang purong puti ng tuxedo. "Welcome hijo, part ka na ang pamilyang Yuzon at sana ay ituring mo rin kaming parang tunay na parents mo. Anyway ngayon palang ang excited na ako na ibigay sa inyo ang aming regalo," ang wika ni Mr. Yuzon   "Papa, mamaya na iyan. Hindi pa tapos ang kasal," ang wika ng kanyang asawa.   "Hindi na ako makapag hintay. Heto ang aming regalo." ang wika niya sabay abot sa amin dalawang susi. "Itong isang susi ay ang susi ng inyong condo unit, at ang isa naman ay susi ng inyong bagong sasakyan. Kami ng iyong ama na si Mr. Zonaras ang bumili at namili ng mga iyan. Sana ay magustuhan niyo." ang wika niya habang naka ngiti.   "Ang akala ko po doon kami titira bahay namin? O doon po sa bahay ninyo?" tanong ko.   "Hmmm, pwede naman kayong umuwi sa inyo o kaya ay sa amin. Pero diba starterpack ng mag asawa ang mag sama sa iisang bubong. Kung hindi niyo naman gusto ang condominium ay ibenta nalang natin ito ay mag patayo kayong sarili niyong bahay. Basta pag usapan natin ito mamaya. Mag sisimula na ang ceremony." ang wika ni Mrs. Yuzon.   Lumapit sa amin sila mama at nag kamayan ang aming mga magulang bilang tanda ang pag kakasundo sa iisang desisyon.   Makalipas ang ilang minuto ay nag simula nang tumugtog ang musika, ito ang oras na lalakad ako sa aisle kasama ang aking magulang. "Relax magiging maayos rin ang lahat, dumaan din ako dito at ang mga kamag anak natin, maswerte ka dahil napaka gwapo ng asawa mo," ang bulong ni mama.   Ang lahat ay nakatayo at hinihintay ang aking pag lalakad. Kumakabog ang aking dibdib, ni hindi ko marinig ng maayos ang tunog ng orchestra. Basta ang alam ko lang ay humahakbang ang aking paa palapit kay Ronnie Yuzon na noon ay naka ngiti kasama ang kanyang mga magulang. Hindi ko alam kung saan niya hinihugot ang masayang emosyon lalo't mayroon siyang shotang iniwan na baliw na baliw sa kanya.   Makalipas ang ilang sandali ay nakarating ako sa harap ng altar, dito ay sinalubong muna ako ng mga magulang ni Ronnie at niyakap. Kinuha nila ang aking kamay ay ibinigay sa kanilang anak.   Hinawakan ako ni Ronnie habang siya naka ngiti. "Hi," ang bati niya   Ngumiti rin ako. "Hi, nice to finally meet you", ang tugon ko.   "First meet natin kasal agad. Astig diba?" biro niya.   "Politics." ang bulong ko.   Natawa rin siya.   Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago kami humarap sa pastor ng bibigay ng sagradong basbas sa aming pag bibigkis. Noong mga sandaling iyon ay hindi pa rin humuhupa ang kaba at sa aking dibdib, halo halong emosyon ang aking nararamdaman at habang tumatagal ay para bang hindi ako maka hinga ng maayos. Ni hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi. Basta ang alam ko lang simula na ito ng malaking pag babago sa aking buhay.   Ngumiti ang pastor sa aming harapan at dito ay sinimulan niya ang seremonya..   "We gather here today, in the presence of family and friends to join Ronnie and Warren in matrimony. We celebrate the coming together in love of these men. We remember that marriage is a time when growing love is made public, when two people share mutual promises. We join in our support of them as they offer themselves to each other. We celebrate their joy, their love and their expectations.   Ronnie and Warren, the covenant which you are about to make with each other is meant to be a beautiful and sacred expression of your love for each other. As you pledge your vows to each other, and as you commit your lives to each other, we ask that you do so in all seriousness, and yet with a deep sense of joy, with deep conviction that you are committing yourselves to a dynamic growing relationship of trust, mutual support and caring love."   Habang nag sasalita siya ay hindi ko maiwasang makiramdam kung anong reaksyon ni Ronnie sa mga oras na ito. Blangko ang kanyang mukha at parang walang paki alam sa nangyayari sa kanyang paligid. Hindi ko alam kung sinisersoyo ba niya itong kasal pero para katuwaan lamang ito sa kanyang parte. Tuloy ang pag sasalita ng pastor. "And may I request the Man of Honour to come and join me reunite this two lovers."   Lumapit si Shay dala ang dalawang box ng gintong singsing. Inilabas niya ito at inibigay sa aming dalawa ni Ronnie.   To Ronnie: Will you, Ronnie, have Warren to be your husband? Will you love him, comfort and keep him, and forsaking all others remain true to him as long as you both shall live?"   Ngumiti si Ronnie habang nakatingin sa akin. "I will."   To Warren: Will you, Warren, have Ronnie to be your husband? Will you love him, comfort and keep him, and forsaking all others remain true to him as long as you both shall live?"   Huminga ako ng malalim at sumagot "I will."   Now that you have declared your intentions, I invite you to share your vows with one another..   Tahimik..   Hinawakan ni Ronnie ang mikropono. "I vow to carry you and to be carried by you, to journey with you and to love each minute because of our travels together. We will live a life of constant adventure together. I love that you and I will spend the rest of our lives together. Somehow my life has come to this amazing moment and now I will always share it with you." ang diretsong salita nito, walang emosyon na parang script lang na kinabisado. Hinawakan niya ang aking kamay at isinuot ang singsing sa aking daliri.   "Naks para totoo ah." ang bulong ko sabay hawak sa mic at ako naman ang nag bigay ng vow. "I promise that my love for you will be an ever flowing spring, never diminished and always sweet and life-giving. I promise to love you, to be your hearth, to keep a flame alive for you in my heart." ang diretso ko ring salita na walang emosyon, basta binigkas ko lang. Kinuha ko rin ang kanyang kamay at isinuot ang singsing sa kanyang daliri.   "Wow, kabisadong kabisado ah. Magaling ka palang mag memorize." ang bulong niya.   Palakpakan..   May this be the start of a happy new life. That’s full of special moments to share. May this be the first of your dreams come true.And of hope that will always be there. May this be the start of a lifetime of trust .And of caring that’s just now begun. May today be a day that you’ll always remember the day when your hearts become one.   In as much as you Ronnie and you Warren have thus consented in matrimony and have witnessed the same before family and friends, by virtue of the authority vested in me as a Officiant and the laws of this state, I now pronounce you married.   You may seal your marriage with a kiss!   Nag hawak kami ni Ronnie ng kamay, at mabilis na nag lapit ang aming mukha. Hinalikan namin ang isa isa, hindi peke ang halik na iyon dahil nag dikit ang aming labi at naamoy ko pa ang kanyang hininga na amoy alak, halatang uminom ito para mag karoon siya ng lakas ng loob gampanan ang role ng pagiging pinilit na groom ngayong araw.   Pag katapos ng seremonya ay nag pirmahan ng wedding contract kasama ang aming 12 ninong at ninang. Naka saad dito ang mga multa at danyos na maaari naming bayaran kung sakaling maisipan naming tumalikod sa isa't isa. Gayon rin ang mga rules na hindi dapat namin labagin sa aming pag sasama bilang mag asawa.   Sa venue ng reception ay naka upo kami sa gitna na parang normal na mag asawang kinasal. Bumabaha ng mga regalo mula sa aming mga kaibigan at sa mga business partners ng aming mga magulang na lumagda sa aming kontrata upang mapag tibay ang mga rules sa loob nito.   Habang kumakain ay pinatayo kami ng emcee at pinag bigay ng maiksing mensahe para sa mga bisitang dumalo. Nauna si Ronnie dito kung saan hawak pa niya ang goblet na may wine. "Thank you so much sa pag dalawa sa aming wedding. Wala naman akong ineexpect sa araw na ito, thankful nalang ako na good looking ang nakapareha ko unlike sa ibang disaster na political marriage kung saan sa kasal palang ay umiiyak na ang isang kapareha dahil hindi kanais nais ang itsura ng isa. Congrats sa atin pare! Cheers!" ang wika niya sa akin sabay taas sa kanyang baso.   "Wala naman akong ineexpect. Ginawa ko to parents ko at sa parents niya (sabay turo kay Ronnie). Okay lang naman ako,makaka adjust rin ako sa buhay ng isang may asawa.  I mean asawang lalaki." ang wika ko.   Cheers!   Palakpakan sila..   Ako naman ay napatingin kay Ronnie at nag bitiw ng hilaw na ngiti.   Habang nasa ganoong posisyon kami ay may lumapit na isang babae sa aming harapan. Maganda ito, sexy at palaban ang datingan. Nakasuot siya ng kulay pulang sexy dress na nakabalas ang cleavage. Ang isang ito ay namumukhaan ko, iniisip ko lang kung saan ko siya nakita hanggang sa napatingin ako kay Shay.   Dito ay naalala kong siya ng Ex ni Ronnie na hiniwalayan niya dahil ikakasal ito sa akin.   "Angge, what are you doing here?" tanong ni Ronnie napatayo ito sa kanyang kinauupuan.   "Gusto lang kitang icongratulate. Best wishes sa inyong dalawa ng husband mo." ang wika niya sabay beso sa akin.   "Thank you." ang tugon ko.   Tumayo naman si Ronnie at inakay ang dating kasintahan palayo sa akin. "Bakit nandito ka?"   "Anong bakit? Tingnan mo nga naman, tinapon mo na agad ang 5 years na relationship natin. Sa hinaba haba ng prosisyon ay sa lalaki ka rin pala babagsak. At iyon ang hindi matanggap, pinag palit mo ako sa isang lalaking katulad mo rin na may lawit. Tingin mo magiging masaya ka?! Insulto sa akin ito Ronnie, anong sasabihin ng mga circle of friends natin? Na ang nakatalo sa akin ay isang lalaki? My God!" ang wika niya.   "Angge, political arrangement ito, ito ay tradisyon ng aming pamilya. Una palang ay alam mo na diba? Una palang ay sinabi ko na sa iyo na maaari akong ikasal sa iba."   "Iyon ay dahil wala kang guts na ipag laban ako." ang sagot niya.   "Ayoko ng gulo dito. Kung pwede umalis kana." ang tugon ni Ronnie sabay hawak sa kanyang braso.   Pero nag pumiglas ang dalaga at sinampal siya nito dahilan para magulat ang lahat. Mabilis siyang lumakad patungo sa akin at saka kinuha ang wine sa aking harapan. "Best wishes! Bakla!" ang wika niya sabay saboy ng alak sa aking mukha.   Nahilam ako at natumba sa sahig.   Nag kagulo sa venue, lumapit ang guard sa dalaga at pilit na inilabas ito pero nag pumiglas siya at pilit na kumawala.   "Warren, okay ka lang ba?" tanong ni Shay, pinunasan niya ang aking mukha.   "Anong nangyayari dito?" tanong ni Papa kay Ronnie.   Agad naman dumepensa si Mr. Yuzon sa panig ng kanyang anak. "Iyong ex girlfriend ang aking anak na si Ronnie. Ngunit matagal na silang wala. Huwag kayong mag alala, hindi na siya makakalapit pa kay Warren at sa aking anak." ang wika nito.   "Ayoko nang makikita ang babaeng iyon na lalapit sa aking anak. Sasampahan ko siya ng kaso." ang galit na tugon ni papa samantalang sinamahan ako ni Shay sa CR para mag hilamos.   "I told you, crazy b***h yung gagang iyon. The last time na inistalk ko ang account nung Angelica Carrion na iyon ay galit na galit siya at nag wawala dahil sa iniwan siya ni Ronnie. Ito naman kasing si Ronnie bigla nalang siyang itinapon ng walang pormal na pag uusap. Hindi rin pala niya sinabing sa lalaki siya ikakasal. Siguro ay nahihiya siya kaya nag kulang ito sa paliwanag sa dati niyang kasintahan." ang wika ni Shay.   "At nadamay ako. Sanay ay inisip niya hindi ko rin naman gusto ang kasal na ito." sagot ko habang nag hihilamos ng mata. Namula ito at parang namaga. "Umuwi na tayo. Gusto ko na umuwi." pag yaya ko.   Maya maya pumasok si Ronnie sa CR. "Okay ka lang? Sorry sa nangyari."   "Okay lang." ang sagot ko at lumabas kami ni Shat at nag tungo sa labas. Iniwan namin na nakatayo sa loob ng CR.   "Are you okay hijo?" tanong ni Mrs. Yuzon.   "Ayos lang po." tugon ko rin.   "Teka saan kayo pupunta?" tanong ni Mr. Yuzon.   "Uuwi na po kami." ang tugon ko.   "Teka, ipapa ayos ko yung condo. Doon na kayo tumuloy ni Ronnie." ang wika ni Mrs. Yuzon.   "Next time nalang po. Mas makabubuti kung mag pahinga na muna tayo. May mga media po kasi dito, siguro mamaya ay laman ito ng balita sa telebisyon." ang tugon ko.   Lumapit sa amin sina mama at papa. "Pasundo niyo na lamang si Warren bukas sa kanyang asawa. Uuwi na muna kami." ang wika ni papa sabay kamay sa mga magulang ni Ronnie.   Lumapit sa akin si Mrs. Yuzon at hinalikan ako sa pisngi. "Mag rest kang mabuti. Tomorrow ipapa ayos ko yung condo para makalipat na kayo ni Ronnie doon."   "Salamat po, tita." ang tugon ko dahilan para matawa sila.   "Call me mama, remember magulang mo na rin kami. Kung may kailangan ka ay do not hesitate to call us. Okay?" ang tugon niya.   Ngumiti ako at sumakay sa Van.   Samantalang si Ronnie naman ay nakatingin lang, maya maya ay lumakad na rin ito at sumakay sa kanyang asul na sasakyan.   Kung sa bagay, hindi naman ordinaryong kasal lang. Ang lahat ng ito ay scripted at nasa batas lang. Sa tingin ko ay hindi rin uunlad ang aming samahan ni Ronnie. Ngayon palang ay nararamdaman ko na ito.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD