Here Comes the Groom AiTenshi Part 32 WARREN POV "Nabaril? Ganyan na ba kapariwara ang anak ko?" tanong ni Mr. Yuzon sa mga pulis na nag hatid kay Ronnie sa ospital. "Hindi naman po Mr. Yuzon, nadawit po ang inyong anak sa away ng mag kalive in partner na kinilalang sina Howard at Jed," ang wika ng pulis. Napakunot noo ang ama ni Ronnie at ako rin ay labis na nag taka. "Bakit? Anong kinalaman ng anak ko sa Howard at Jed na iyan?" tanong ng papa niya "Mr. Yuzon ayon po sa salaysay ng suspek na si Jed Candella, 34 anyos at nag ttrabaho bilang security guard sa isang insurance company. Umuwi daw ito sa apartment nila at naabutan po sina Ronnie Yuzon na inyong anak at si Howard O' Connel na nag tatalik. Pinatigil na daw niya dalawa ngunit ayaw nitong huminto kaya't sa galit ay nag dili