Here Comes the Groom AiTenshi Part 31 RONNIE POV "Kalabo naman ng erpats mo pare, isinarado na nga yung unit niyo, kinuha pa yung kotse niyo at pati pera mo sa bangko ay nawala pa? Anong kamalasan ba iyang nangyayari sa iyo?" tanong ng kabarkada ko noong sunduin niya ako sa harap ng atm machine kung saan ako nag balak mag withdraw ng pera. "Hindi ko alam kung bakit ginawa ni papa iyon, kakausapin ko nalang siya bukas. Nakatanggap ako ng text kay mama na nakauwi na daw sila sa bahay ngayon," tugon ko. "Pre, baka naman karma na iyan dahil doon sa panloloko mo kay Warren, asawa mo yung tao tapos buntis pa. Sana nag salsal ka nalang hindi yung pati yung prostitute daw sa social media ay pinatulan mo pa. Sa loob pa ng CR ha, tangina pare wala kang patawad," ang wika ng isa habang natatawa