Here Comes the Groom AiTenshi Part 30 WARREN POV "Pa, wala naman akong sinabing ifull out niyo yung gamit nung tao. Kinuhanan talaga siya ng agent sa public area," ang wika ko habang kumakain kami ng dinner nila papa. "70% ng kotse na iyon ay galing sa akin. So ibinalik ko yung 30% nila at binayaran ko ng buo yung kotse sa iyo iyon at hindi dapat niya ginagamit sa pansarili niya," sagot ni papa. "Hayaan mo na yun friend malay mo ginagamit niya yung kotse sa mga kalokohan niya. Mainam yung wala siyang wheels para wala siyang maimeet na iba," hirit ni Shay. "Wala naman akong paki alam kung sinu sino ang imeet niya. It's over, aayusin ko nalang yung buhay ko," ang sagot ko naman sabay kuha abot ng ice cream sa lamesa. "Alam mo baka maging si Iceman na iyang anak mo kakain mo ng malamig