Here Comes the Groom AiTenshi Part 38 "Mas sumasakit pa ang ulo ko sa pag sagot ng online examination. Ang hirap naman kasi sundan yung discussion ng professor sa live telecast. Ang bilis pa mag salita at wala siyang paki alam kung hindi na makasunod yung mga students na nakikinig sa kanya," ang reklamo ko kay Shay habang sinasagutan ang prelim examination sa online site, na ang ginagawa ko lang ay hinuhulaan ang mga letter ng tamang sagot sa pamamagitan ng pag select o pag click sa dot. "Aba, Warren huwag mong hulaan, exam iyan at one try lang iyan. 50 items dapat maka 25 ka para pumasa ka. Kapag bumagsak ka diyan ay mag dedelikado ang grado mo sa prelim," ang wika ni Shay. "Hindi ko naman hinuhulaan, sadyang hindi ko lang alam ang sagot," tugon ko sabay bitiw ng buntong hininga. "Ok