Here Comes the Groom AiTenshi Part 37 Noong ibukas ko ang aking mata ay ibayong kirot ng ulo ang aking naramdaman. Ang aking katawan ay hinang hina at wala akong maramdamang kahit ano. Dito ko naalala yung kaganapan kanina kung saan hinablot ni Angge ang aking katawan at mahulog ako sa hagdan dahilan para duguin ako, lumabas sa aking ari dugo na parang ihi. Nag kagulo doon sa silid at nawalan ako ng malay noong maisakay ako sa ambulansiya. Tahimik.. Napadako ang aking mata sa aking tiyan at napansin kong hindi na ito malaki kaya naman inangat ko ang kumot sa aking katawan at dito nakita kong may tahi na ito, ang ibig sabihin ay wala na ang bata sa aking sinapupunan at nailabas na ito. Mayroon pa ring epekto ang pampamanhid sa aking tiyan kaya't hindi pa ito kumikirot ng todo. Halos wa