24 Kinamayan ni Nathan si Mr. Garcia nang makapasok siya sa opisina nito, kasama pa ang ilang pulis sila’y pinaupo sa mini sala ng opisina, “ako si officer Nathan,” pagpapakilala ng binatang pulis kay Mr. Garcia. “Ako naman si Aldrin Garcia, ang boss ng State Haven at isang psychiatrist, anong problema mga officer at napadalaw kayo sa State Haven?” Tanong ni Mr. Garcia. Inabot naman ni Nathan ang letter at habang binabasa ito ni Mr. Garcia pinaliwanag naman niya kong bakit sila na andoon, “may nakapagsabi kasi sa akin na isang dating nurse dito na nagtatrabaho sa inyo na may lalaking gustong manakit sa kanila ng kanyang kasintahan at sinugod sila nito gamit ang isang palakol. Naalala kong may mga nawawalang tao na ang mga gamit nila ay natatakbuan mismo dito sa harapan ng gusali ninyo.