30 Simula nang magising siya sa pagkakatulog, isang oras na siyang nakakulong sa silid niya, wala sila Wasim at Raisse para ibili siya ng prutas sa bayan. Ayaw naman niyang lumabas para lang makahanap ng makakausap kahit na alam niyang nasa tabi lang ng silid niya si Christian. Nakatingin lang siya sa bintana kong saan kitang-kita niya ang mga nag-uunahang tubig na tumulo dahil sa ulan. 'Sana nakabalik na sila,' sa isip-isip niya ng mga oras na 'yon. Wala na siyang nararamdaman na kahit na ano kong di ang pagka-miss sa kanyang pamilya sa Maynila. Gusto na niyang lumabas, umalis ng ospital, lumayo sa bayan at umuwi sa kanila, baka sakaling makalimutan niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Pero sa tingin ang pangyayaring ito ang hinding-hindi niya makakalimutan. Inalis niya ang kumot na n