29 Nang malaman ni Nathan na gising na si Rica agad naman siyang bumisita sa ospital, hiningi niya ang statement nito at pati na rin ang kay Christian. Marami silang inasikaso sa palibot ng State Haven, loob o labas man nito, marami silang nakuhang banggay mula sa gubat, pati ang labi ng katawan ng kapatid niyang nawala ay nakuha din niya, ngayon matatahimik na siya at maiilibing sa maayos ang kapatid na si Natalia. Marami pa silang nakuhang labi, mapapababae man o lalaki, halos lahat ay pasyente ng State Haven. Ngayon lang nila nalaman na pinapatay pala ng mga ito ang pasyente para magbawas, pinapahirapan kong hindi susunod at kong ano-ano pang hindi makataong paraan ng pag-aalaga. Halos lahat ng natirang nurse at doktor ay nasa kulungan na at nakuhaan na din ng mga statement tungkol