28 “Magiging ayos na din ang pasyente, normal lang ito sa mga sobrang napapagod na tao at nakakaharap sa matinding suliranin. Magigising din siya anumang oras at makakausap din ninyo siya ng maayos,” paliwanag ng doktora kila Jayvee nang matapos masuri si Rica sa loob ng silid, nagpaalam na ang doktor at saka lang sila nakapasok. Unang lumapit si Raisse na ngayon ay ayos na, sumunod naman si Wasim at pati na rin si Jayvee, pare-pareho silang nakadungaw sa maamong mukha ni Rica. “Kasalanan ko ‘tong nangyari sa kanya, kong sa una pa lang pinagkatiwalaan ko na siya, hindi ‘to mangyayare sa kanya,” malungkot na wika ni Wasim dahil sa nangyari. “Wala naman may gusto sa nangyari, at least nakalabas na kayo sa State Haven, makakabalik na rin kayo sa mga pamilya ninyo,” aniya naman ni Jayvee.