27 Napatili si Rica nang masuntok ngayon si Christian at matumba ito sa sahig. Tinago niya ang cellphone sa bulsa ng damit niya, gusto niyang lumapit at tulungan ang binata pero hindi niya magawa dahil na rin sa takot. Wala siyang maisip na pwede niyang gawin, pinapanood lang niyang mabugbug ang kawawang binata. Sa pagkakataon na ‘yon hindi na makagalaw ang binatang si Christian na duguan na ang ibabang labi at ilong nito, kinuha ng nurse na binata ang pamalo nito at handa nang ihampas kay Christian. Naghanap naman si Rica ng pwede niyang magamit na pang laban, huminto ang mga mata niya sa upuan sa silid. Muli siyang napasulyap kay Christian at sa nurse, kinuha niya ito, nang papaluin na sana si Christian inunahan na ni Rica ang nurse, hinampas niya ang upuan na plastic sa likod nito,