26 “May dala uli ako para sayo,” saad ni Rica nang may iabot siyang pagkain kay Christian. Pinagmasdan muna siya ng binata bago ito kinuha sa kanya, “salamat,” sabi nito sa kanya at ngumiti lang ang dalaga, tahimik naman na kinain ng binata ang pagkain na dala ng dalaga habang nakaupo ito sa harap ng rehas. Naalala na naman ni Rica ang tulong na hinihingi sa kanya ni Jayvee, siguro ito na rin ang oras na kailangan na niyang malaman ang totoo. Kong ano ba talagang nangyayari sa pagitan ng bawat sa mismong loob ng State Haven, may maitim ba itong sikreto at may baho ba itong hindi pwedeng makalabas? Sinilip niya sa kabilang silid mula sa rehas kong tulog na ba ang babae doon na humihingi ng tulong sa kanya noong nakaraang gabi, nagtaka siya na wala nang gumagamit sa silid na ‘yon, kaya m