36 Napagpasyahan nila Rica na dumalaw kay Christian sa ospital, sa utos na rin ni officer Nathan. Pinayagan na kasi ang apat na umalis ng bayan lalo’t tapos na ang tungkol sa State Haven, na siyang kinatuwa ng apat, dahil sa wakas tapos na ang suliranin na kinakaharap nila, malaking pasasalamat naman nila kay Mr. Ortega at humihingi naman ng paumanhin si Mr. Ortega sa apat dahil pinagkamalan silang mga suspek, kahit na sila ang tunay na biktima. Maaliwalas ang araw na ‘yon, habang sila’y naglalakad sa kalsada papuntang ospital na malapit lang sa apartment na tinutuluyan ni officer Nathan. Natigilan si Rica sa kanyang paglalakad ng maalala niyang may naiwan siyang gamit sa bahay ng pulis maliban sa dala niyang bag, na pansin naman agad ni Jayvee ang paghahanap niya sa kanyang bulsa. “May