37 Nang makaakyat si Jayvee sa apartment ng gusali, agad siyang dumiretso sa bahay ni Nathan, nabuksan niya agad ang pintuan dahil sa hindi ito naka-lock sa loob, hingal na hingal siyang huminto sa sala nang makita niyang nakaupo si Rica sa sofa ng sala habang may nakatakip sa na kumot sa dalaga, nakatingin lang ito sa kanya, nagtataka siya kong bakit nakaupo pa rin ang dalaga sa sofa na animoy walang hinahabol na oras. “Bakit na andito ka pa? Kanina ka pa namin hinihintay sa ospital, ano pang ginagawa mo? Na hanap muna ba yong hinahanap mo?” Sunod-sunod na tanong ni Jayvee kay Rica. Tumango-tango naman ang dalaga, “oo tapos na,” na pansin niyang malikot din ang mga mata ng dalaga kaya tinitigan niya ito sa mata, nakita niya ang paglunok nito na animoy may tinatago sa kanya.