19 Sa w16 naman si Raisse, naglalakad at tinitignan kong tulog na ba ang lahat ng mga pasyenteng na andoon, halos malapit lang sila ng binabantayan ni Wasim na nasa w14, ito na ata ang trabahong binigay sa kanya ang pinaka-boring sa lahat, wala siyang kasama kong di siya lang mag-isa, may isa pa siyang isyu sa State Haven, hindi niya gustong makaranas ng kahit na anong kakaibang bagay, katulad noong unang linggo nila. Gusto sana niyang pumunta sa quarters para naman kumain kahit kendi, dahil bahagya din siyang nakakaramdam ng antok, mahaba ang oras at kailangan niyang tatagan ang sarili na hindi makatulog. Natigilan naman siya nang may tumunog sa inaapakan niya, nang yukuin niya ang paanan, laking gulat niya na may natapakan siyang piraso ng salamin. Napakunot noo siya at nagtataka kong