20 Katatapos lang ng trabaho ni officer Nathan nang makauwi siya sa maliit na apartment niya sa bayan ng San Vicente na malapit lang din sa police station na pinagtatrabahuhan niya. Halos dalawang taon na rin siya sa trabahong ‘yon at ang isang taon na ‘yon ay ang pamamalagi niya sa bayan ng San Vicente, hindi naman niya balak na pumunta doon. Pinilit lang niya ang sarili niya dahil sa kapatid niya, dati siyang taga-Maynila, pero ni minsan hindi na siya nakauwi sa kanila dahil sa isang trahedyang nagpabago sa kanila ng pamilya nila noong labing limang taong gulang pa lang siya. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pagkawala ng nag-iisa niyang kapatid na babae. Sariwa pa sa kanyang isipan ang pangyayareng ‘yon, halos sampung taon na ang nakakalipas pero hindi parin mawala-wala sa kanya