13 Hindi binabalik pa si Joy sa kanyang silid, sabi kasi ni Dr. Norman nang magising siya na doon na muna siya sa clinic magpahinga dahil may mga resulta daw siyang kailangan hintayin, ngunit magtatatlong oras na simula nang magising siya kanina, hindi parin siya nakakabalik sa pagkakatulog. Wala siyang ideya kong ano na namang bang nangyari sa kanya, basta’t nagising siyang nasa loob ng clinic. Kitang-kita ang itim sa ilalim ng mga mata niya dahil sa hindi tamang pagtulog, malikot ang mga mata niya, animoy may hinahanap, pero pakiramdam niya sa loob ng clinic na may nakatingin sa kanya kahit siya lang ang mag-isa doon. Namamayat na din ang mga pisngi niya at lumalabas ang mapuputla niyang balat. Wala rin siya sa tamang oras ng pagkain, kahit na nagugutom siya sa ngayon, hindi niya magaw