18 Mag-uumpisa na ang unang gabi ni Rica sa night shift, silang tatlo nila Raisse at Wasim. Siya ngayon ang magbabantay sa quarters, utos din sa kanya na kailangan niyang maglibot sa w8 para tignan kong natutulog ba ang mga pasyente, kailangan kasi nila panatilihing na nakakatulog ng maayos ang mga pasyente nila. Katatapos lang niyang ayusin ang mga ilang gamit sa quarters nila, natigilan siya sa kinatatayuan niya nang magtaasan ang balahibo niya sa batok, pakiramdam niya may tao sa likuran niya, nagmamasid, agad siyang lumingon ngunit wala naman siyang nakita. Napalunok siya at muling bumalik sa ginagawa. Sa pagkakataon na ito nakarinig naman siya ng mga hakbang, mga tawa ng bata, nilingon niya ang paligid, hindi na naman siya nagiging komportable sa paligid niya, “sino na andyan?” Tan